Pagpasok na pagpasok nung mga pamilya dun sa room, hindi ko alam kung anong aasahan ko. Reluctant kasi talaga akong umattend kasi gusto gumala. At aaminin ko na sa una tinignan ko itong outreach activity na ito bilang isang project lang namin sa VE. Pero at the end of the day, very much fulfilled at touched ang nararamdaman ko. Hindi ko inakala na makakapagpasaya kami ng mga tao na kailangan ng atensyon, pagmamahal at saya. Para sa akin, ang oras, pera at pagod na inilaan ko ay wala sa naramdaman ko nung makita ko ang ngiti at saya ng mga pamilyang andun. Tahimik nga lang ako eh. Pinagmamasdan ko lang sila at kumuha na lang ng mga pictures.
Ang pinili namin ay sina Aling Milagros at Aling Connie. May mga anak sila. Yung anak ni Aling Milagros ay si Adonis at yung kay Aling Connie si Aira at hindi ko kilala yung isa. Sa Payatas sila nakatira. Sabi nila nung ininterview namin sila, mahirap talaga dun sa tinitirahan nila, lalo na para sa kalusugan nila. Kasi nga puro basura.
Pagkatapos ng kwentuhan at pagpanayam sa kanila ay nagsalita ang iba sa kanila para magpasalamat, yun talaga yung nakakatunaw ng puso. Yung makita mo yung tuwa nila nung nakamit nila yung regalong yun. Na kahit maliit na bagay at halaga lang, malaki na at sobrang nagpapasaya sa kanila. At syempre nagpasalamat din kami.
Pagkatapos nito ay umuwi na sila. Ang sarap nung feeling na ganun na hindi mo inaasahan na sobra pala silang sasaya dun sa ginawa mo. Kaya kanina, nung mga oras na yun, kami ang tumayo bilang mga taong tagapagbigay ng kalinga, alaga at pagmamahal. Masarap pala ang makatulong. Minsan ko lang kasi ginagawa. Ang sarap pala ng feeling. Hindi kayang tumbasan ng kahit anong perang nagastos at oras na inilaan. Lahat kami masaya dahil dun. Fulfilling, masarap ang feeling, nakakataba ng puso.
Bukod dito, maganda din ang epekto ng activity na ‘to dahil mas nakilala ko ang mga kaklase ko. At higit sa lahat, na-experience kong makisama at makipag-ugnay sa iba pang mga tao; yan ang natutunan ko na pinakamahalagang bagay sa outreach na yun. Ngayon, masaya ako at nag-enjoy ako kanina, nag-enjoy ako sa outreach at nag-enjoy akong makasama yung mga kaklase ko at sina Aling Milagros at Aling Connie. Masarap ang mapasaya ng ibang tao pero super mas masarap magpasaya ng tao lalo na yung mga nangangailangan nito nang sobra.

Jesus himself said: "It is more blessed to give than to receive."
Acts 20:35
Acts 20:35