Huwebes, Abril 10, 2008

Laman ng aking puso

Tayo'y nagkakilala,
At naging magkaibigan.
Makulit at inaasar ang isa't isa,
Ngunit nang tumagal ay nagkamabutihan.

Tayo'y nagkamabutihan,
Kinilalang lalo ang isa't isa.
Ngayo'y nahuhulog na sa pagmamahalan,
Sa pang-habangbuhay na sana pumunta.

Sana lang ay hindi hiwalayan,
Ang aking pusong minsan nang nasaktan.
Kung hindi man pang-habangbuhay ang hahantungan,
Sana'y sa paglisa'y masaya ang naging pagmamahalan.

Mahal kita,
Dahil mahal mo ako kung sino ako.
Aking sinta,
Ikaw lamang ang natatanging laman ng aking puso.

Walang komento: