Martes, Disyembre 29, 2009

Love is patient. part2

Bakit kaya dumating sa point ng isang tao yung nag-da-dalawang isip ka? Yung takot ka na baka mapili mo yung maling desisyon at pagsisihan ito forever?
Have you ever felt that you’ve been so gaga over someone and yet we call it crazy? But we never thought how stupid we become until we felt that we’ve been hurt?
At pagkatapos ng lahat ng mga kaputanginahang napagdaan mo sa kanya, sinaktan ka nang sobra sobra, still you say.. “MAHAL KO PA RIN SIYA.” Shit!

Madalas nalilito tayo kung makikinig tayo sa takbo ng utak o sa nararamdaman ng ating puso, sabi nila, Love conquers all.. Fuck, yeah right!

Minsan, nafe-feel niyo pa yung tipong may mahal ka, pero meron naman siyang mahal na iba. Or yung na-inlove ka sa kaibigan mo at natatakot kang sabihin kasi you’re fearing of rejection.
Eto, para sa’yo:
If you love someone, say it.. Say it right then, out loud or the moment just passes you by.
Meron naman yung sitwasyong may “special someone” ka, tapos kayang mong sabihin na siya na yung para sa’yo. At alam mong mahal na mahal mo siya, tapos biglang nawala yung trust mo sa kanya. Yung tipong binigay mo na lahat ng trust mo nung una, tapos nawala lahat kasi nalaman mong ginagago ka lang niya? Diba masakit?! Sobra!

Syempre hindi na maalis sa isip mo na baka gawin niya ulit sa’yo yun. Pagkatapos mo siyang bigyan ng isa pang pagkakataon? And now, telling you these fucking promises that you’ve heard a fucking million times before. Eh paano kung gawin niya ulit yun? Ewan ko na lang!

Kaya nating gawin ang lahat para sa taong mahal natin pero mahirap ibigay ulit ang trust once na gaguhin nila tayo. In short, it’s really hard to trust someone again once you’ve lost it. I guess it takes time.

Eh pa’no naman yung sitwasyong gusto mo makipag-break? Pero parang may “something” na nagho-holdback sa’yo. Yung tipong natatakot kang masaktan mo sarili mo at pagsisihan mo ‘to?

Minsan, talagang masisisi nating ang sarili natin sa pagkikipag-break, yun nga lang, sa side ng mga nasasaktan, masama ka at madali para sa iyo yun at nagpapakasaya ka pa. I don’t think so. It’s also really hard to break someone’s heart without wanting to. Minsan hindi mo naman na intensyong saktan siya eh. Pero diba, kailangan mong gawin yun kasi mas masakit kung patatagalin mo pa yun. Tapos sa huli, ikaw pa yung masisisi at pustahan, sasabihin pa nila sa’yo, “BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?” Partings are never easy.. :(

At minsan pa, naramdaman mong binigay mo na lahat ng meron ka pero parang hindi pa rin OK. Parang may kulang pa rin. Hindi pa rin siya nagwo-workout. Wala kang nare-receive in return. — It’s the matter of giving. Don’t assume that you’ll receive much more of what you expect.

Minsan naman, yung tipong two-timer ka, hindi ka makapili sa dalawa. Mahal mo nga siya pero may qualities naman yung isa na OK at masasabi mong magkakasundo kayo in anyway. Mahirap talagang mamili, diba?! Well, grow up! Tangina, now you’re being selfish! Kailangan mong mamili lang nang isa and accept the fuck fact that three is a crowd.

Tapos meron naman yung situation na minsan bigla mo siya maaalala. You know, your fucking ex, reminiscing the all good times you’ve shared together. Aminin mo, nakakamiss diba? But then, somehow there’s emptiness inside of you at hindi mo mapipigilan. Tapos iniisip mo kung may gagawin ka ba tungkol dito o wala, kasi minsn naiisip mo baka masaya na siya sa iba or scared to lose their fucking pride chickens for both parties.

Paano naman sa mga taong nasaktan o yung mga bigo? Na hindi nila alam at wala silang ka ide-ideya kung bakit sila nasasaktan, o kaya naman iniisip pa rin nila ang rason ng kanilang break-up. Alam ko ngumingiti tayo pero sa kabila nun, namamatay na tayo. Minsan lilibangin na lang natin ang sarili natin kasama ang mga barkada. Minsan pupunta kung saan saan. Or do anything as a fucking relief to ourselves for awhile. Siguro ganun nga talaga yun.

Anyway, wag ka mag-alala. There’s someone out there who’ll be the one to ease your pain away. Buksan mo mga mata mo, or use your fucking high resolution reading glasses. Malay mo makatulong yan. You’ll never know.. Malay mo yung makatabi mo sa jeep o sa LRT o sa bus o sa kahit anong putanginang transportasyon yung taong makakatuluyan mo forever. :)

O kaya naman, sooner or later, mare-realize nila ang nawala’t nahanap nila. Oh well, too bad. Palaging nasa huli talaga ang pagsisisi. Hindi mo kawalan, sa kanila yun. >:) Madami pa diyan no, pwede ba?! We truly never know what we’ve got ‘til it’s gone.

At hindi rin natin maiisip na yung taong pinakamamahal natin ay yung taong magpaparamdaman sa’tin ng sobra-sobrang sakit. Ganto kasi yun, hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nagmahal eh. Nasasaktan ka kasi nagmamahal ka. Minsan pa nga mas gusto nating masaktan na lang, diba?

In our point of our lives, we should be so luck to have someone who’ll never let us go, someone who’ll love us even more and someone who’ll cherish us for the rest of our lives. — Lesson of love could bring us so much pain!

Siguro kaya hinahayaan ni God na makilala natin ang mga taong pumapasok at lumabas sa buhay natin, yun siguro yung mga oras na pwedeng maging unforgettable para sa atin. Yung magtuturo sa’tin ng mga putanginang lesson ng putanginang love dito sa putanginang mundong ibabaw. The more we’ve been hurt, the more lesson we learn. Pero isa lang ang sigurado dyan, matututo tayong tumayo ulit kapag tayo’y nadapa.

Wag kang matakot na bigyan ulit ng chance ang sarili mo na magmahal. Don’t look back. Wag mo nang hanapin yung qualities ng past love mo sa bago. We’re different kinds of people and has different personalities. But who knows? Malay mo there’s much more you can see in this new person. Na hindi mo inaasahang makikita mo. :)

Ending up a relationship doesn’t mean its the end of the story in a book. But it’s the beginning of a new chapter in life. Love never keeps a promise with a word such as “forever.” Hindi lang naman yun isang salita na madaling bitawan, it’s also a place for us to get there. — And really, ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS.
Now, as I sat down in front of my computer, mind spinning.. bored.. lack of sleep.. listening to music.. Wondering who will be the one for me.. No one could tell. No one knows. ONLY GOD KNOWS.

Linggo, Disyembre 27, 2009

Love is patient.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko naisipan gumawa ng gantong post. First of all, wala naman akong problema sa lovelife. But hell yeah, kahit sabihin kong masaya ako. Parang hindi ko pa rin ma-take ang mga nakikita't naririnig ko sa mundong ito. May mga nasasaktan pa rin, at ang masakit pa dun. Marami sa kanila ay kaibigan ko. May iba namang gusto ng lovelife, mga naghihintay naman daw sila pero bakit parang wala naman yata silang inaantay. Hindi ba pwedeng lahat na lang tayo masaya? :|


Nasaktan na rin ako, diba Pareng Smile? Hahahaha. Nasaktan na rin ako sa pagmamahal. Minsan pa nga, tipong nagkakasiyahan kayo ng mga kabarkada mo tapos bigla siyang magtetext na pagalit. Tangina, kakasira ng araw yun no.

Yung sa mga kaibigan ko nga eh. Mas malala't matindi pa ang love story. Yung pinagpalit daw sila sa iba. Sobrang sawi naman nun. Pero ganun yata talaga, love is unfair. Lalo na pag ikaw ang nadehado. Parang matira matibay nlng nangyayari sa love ngayon eh. Yung tipong pag maganda ka, gwapo ang makakatuluyan mo. At kapag not-so-good naman, swerte mo na lang pag may itsura, pati yang mga yan hindi na pinalalampas ng love.. Haay.. Ang bitter ko naman daw no? =))

Pero alam ko sa iba kapag ganun, tinitiis nilang walang mahalin, or should I say walang nagmamahal sa kanila? Maybe that's the worst period of their lives. Yung tipong mahal na lang nila yung sarili nila dahil wala silang magagawa. Wala nmang nagmamahal sa kanila, saan pa sila? Diba, nagegets mo? Haha. Pero alam ko, sa mga panahon namang yun, natututunan nating mag-survive sa mga sakit na dulot ng love. Meron diyan yung gusto mong aliwin yung sarili mo sa barkada, mag-surf oras oras sa internet, pakikipag-chat o kaya'y ubusin lahat ng pagkain sa bahay niyo. Punta sa bahay ng mga kaibigan, magpa-salon. Lahat na yata gagawin mo para lang makalimutan lahat ng nakasakit sa'yo.

Pero hindi yun ang sagot sa lahat. Hindi yang mga ginagawa mo ang nagpapaiba kundi yang pag-iisip mo.

Kahit pumunta ka pa sa North Pole para kalimutan lahat, kung hindi ka pa rin nagbabago sa pag-iisip mo tungkol sa pag-ibig, eh pasensya, tsong, wa epek yan. As in wala. Blanko. Null. Void. Empty set. ZERO PERCENT..

Eh bakit?


Hindi ang mga materyal na bagay na nakakapagpagaling sa pusong nasaktan. Eh kapag ang puso na kasi ang nasaktan, apektado na rin pati ang utak. Masaktan man ang isa, masasaktan na rin ang kabila. Subukan mong ibahin ang pag-iisip mo. Kumbaga sa PC, eh kung panay palpak ang ginagawa ng hardware, nagtataka ka kung bakit nakailang palit ka na nman eh sa palpak pa rin ang ending niyan. Baka kasi yung software na yung may problema, diba?

Sa mga iniwan naman ng kanilang syota, e wag na wag nang manonood ng movies o magbabasa ng mga librong may iwanan ang theme. Ogags ba kayo? Kung hindi niyo ba naman gustong alalahanin lahat eh. Haha.

Meron din naman diyang mga senti, akala mo malungkot, pero hindi naman. Talagang trip lang nila. Yung parang drama lang. Yung parang, "Ba't ba? Paki mo?" Haha, diba? Oks lang yan, minsan din ganyan ako eh :)) Basta subukan mo lang na ayusin yung pag-iisip mo, yun lang yung kailangan.

Wag mong isipin na kesyo pangit ka, may pimples ka, kulang ka sa height, kulang sa pera, eh kung yun yung rason kung bakit ka niya hiniwalayan, e FU kamo. Hindi mo deserve ang mga ganun. Ibang tao lang ang bagay sa kanila, maniwala ka.

Ayon nga sa nabasa ko, meron daw mga taong nakikita ang love sa black & white scale. Pero dapat marealize nila na may "gray spots" doon. Hindi lahat ng tama ay tama at hindi lahat ng mali ay mali.

Ano nga ba ang "gray spots" na 'to? May mga taong bigla na lang nafafall out of love, hindi yung tipong nagsawa sila kung hindi yung tipong nalaman nila na hindi pala nila talaga mahal yung tao. Wala naman talagang masama dun. Kasi ganun talaga, hindi naman niya sinasadyang mahalin ka eh. Malamang hindi rin niya sinasadya ang fall out of love. Tamang isipin natin na love is a feeling. Pero hindi 'to desisyon. Nagdedesisyon ka lang naman kung gusto mo nang tapusin yung relasyon niyo eh, diba? Minsan nga nagdedesisyon ka pa paano mo immaintain yun, eh pero kung wala na talaga, ba't mo pa immaintain? Kung tumagal man kayo baka awa na lang yung nararamdaman niya para sa'yo. Diba, diba?


Wala kang syota? Anu naman ngayon? Sa unang tingin, nakakainggit. Kasi may ka-holding hands sila, may matatawagan o matetext ng goodnight at I love you at kung anu-ano pang klase paglalambing. Pero kung tutuusin OK rin ang single. Oo, masayang may matatawag kang "iyo", pero tignan mo na lang yung mga relationships, diba? Ang dami laging mga pangyayari. Andyan yung mga manloloko, mga two-timer, mga nagpapaasa, naaawa na lang, mga nanlalandi at kung anu-ano pa. Hindi naman kasi laging masaya kapag may syota eh, kasi nga may commitment, mahirap yung ganun. Committed at formal na "kayo". Kaya ibig sabihin may mga tungkulin at karapatan kayo sa isa't isa at pwede kang makielam.

Kaya nga isipin mo na lang, kung may syota ka, kailangan mong mag-ingat sa mga gagawin mo, diba? Kasi may times na yung syota mo ay bigla na lang maiinis o maaasar sa ginawa mo. Pero kung single kam wala lang, you're free as a bird, pwede mong gawin ang lahat. Kaya kung may mahal ka naman, hindi naman din dapat maging kayo eh. Set him/her as an inspiration. Diba? :-)

Ang love naman kasi, hindi nagmamadali yan, hindi pinagmamadali at hindi ka rin pagmamadaliin. Kaya nga falling in love eh, kasi hindi yan sinasadya at hindi rin inaasahan. Sabi nga sa bible, "Love is patient." diba? Kaya enjoyin mo lang ang mga panahong ngayon ay single ka. Marami naman kasing magagawa kapag single ka eh. Marami ding mga taong walang lovelife, malay mo, bukas makalawa, may "special someone" ka na rin. May magpapasaya na rin ng puso mo. Dahil si God, laging may plano para sa ating lahat. :-)