Linggo, Disyembre 27, 2009

Love is patient.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko naisipan gumawa ng gantong post. First of all, wala naman akong problema sa lovelife. But hell yeah, kahit sabihin kong masaya ako. Parang hindi ko pa rin ma-take ang mga nakikita't naririnig ko sa mundong ito. May mga nasasaktan pa rin, at ang masakit pa dun. Marami sa kanila ay kaibigan ko. May iba namang gusto ng lovelife, mga naghihintay naman daw sila pero bakit parang wala naman yata silang inaantay. Hindi ba pwedeng lahat na lang tayo masaya? :|


Nasaktan na rin ako, diba Pareng Smile? Hahahaha. Nasaktan na rin ako sa pagmamahal. Minsan pa nga, tipong nagkakasiyahan kayo ng mga kabarkada mo tapos bigla siyang magtetext na pagalit. Tangina, kakasira ng araw yun no.

Yung sa mga kaibigan ko nga eh. Mas malala't matindi pa ang love story. Yung pinagpalit daw sila sa iba. Sobrang sawi naman nun. Pero ganun yata talaga, love is unfair. Lalo na pag ikaw ang nadehado. Parang matira matibay nlng nangyayari sa love ngayon eh. Yung tipong pag maganda ka, gwapo ang makakatuluyan mo. At kapag not-so-good naman, swerte mo na lang pag may itsura, pati yang mga yan hindi na pinalalampas ng love.. Haay.. Ang bitter ko naman daw no? =))

Pero alam ko sa iba kapag ganun, tinitiis nilang walang mahalin, or should I say walang nagmamahal sa kanila? Maybe that's the worst period of their lives. Yung tipong mahal na lang nila yung sarili nila dahil wala silang magagawa. Wala nmang nagmamahal sa kanila, saan pa sila? Diba, nagegets mo? Haha. Pero alam ko, sa mga panahon namang yun, natututunan nating mag-survive sa mga sakit na dulot ng love. Meron diyan yung gusto mong aliwin yung sarili mo sa barkada, mag-surf oras oras sa internet, pakikipag-chat o kaya'y ubusin lahat ng pagkain sa bahay niyo. Punta sa bahay ng mga kaibigan, magpa-salon. Lahat na yata gagawin mo para lang makalimutan lahat ng nakasakit sa'yo.

Pero hindi yun ang sagot sa lahat. Hindi yang mga ginagawa mo ang nagpapaiba kundi yang pag-iisip mo.

Kahit pumunta ka pa sa North Pole para kalimutan lahat, kung hindi ka pa rin nagbabago sa pag-iisip mo tungkol sa pag-ibig, eh pasensya, tsong, wa epek yan. As in wala. Blanko. Null. Void. Empty set. ZERO PERCENT..

Eh bakit?


Hindi ang mga materyal na bagay na nakakapagpagaling sa pusong nasaktan. Eh kapag ang puso na kasi ang nasaktan, apektado na rin pati ang utak. Masaktan man ang isa, masasaktan na rin ang kabila. Subukan mong ibahin ang pag-iisip mo. Kumbaga sa PC, eh kung panay palpak ang ginagawa ng hardware, nagtataka ka kung bakit nakailang palit ka na nman eh sa palpak pa rin ang ending niyan. Baka kasi yung software na yung may problema, diba?

Sa mga iniwan naman ng kanilang syota, e wag na wag nang manonood ng movies o magbabasa ng mga librong may iwanan ang theme. Ogags ba kayo? Kung hindi niyo ba naman gustong alalahanin lahat eh. Haha.

Meron din naman diyang mga senti, akala mo malungkot, pero hindi naman. Talagang trip lang nila. Yung parang drama lang. Yung parang, "Ba't ba? Paki mo?" Haha, diba? Oks lang yan, minsan din ganyan ako eh :)) Basta subukan mo lang na ayusin yung pag-iisip mo, yun lang yung kailangan.

Wag mong isipin na kesyo pangit ka, may pimples ka, kulang ka sa height, kulang sa pera, eh kung yun yung rason kung bakit ka niya hiniwalayan, e FU kamo. Hindi mo deserve ang mga ganun. Ibang tao lang ang bagay sa kanila, maniwala ka.

Ayon nga sa nabasa ko, meron daw mga taong nakikita ang love sa black & white scale. Pero dapat marealize nila na may "gray spots" doon. Hindi lahat ng tama ay tama at hindi lahat ng mali ay mali.

Ano nga ba ang "gray spots" na 'to? May mga taong bigla na lang nafafall out of love, hindi yung tipong nagsawa sila kung hindi yung tipong nalaman nila na hindi pala nila talaga mahal yung tao. Wala naman talagang masama dun. Kasi ganun talaga, hindi naman niya sinasadyang mahalin ka eh. Malamang hindi rin niya sinasadya ang fall out of love. Tamang isipin natin na love is a feeling. Pero hindi 'to desisyon. Nagdedesisyon ka lang naman kung gusto mo nang tapusin yung relasyon niyo eh, diba? Minsan nga nagdedesisyon ka pa paano mo immaintain yun, eh pero kung wala na talaga, ba't mo pa immaintain? Kung tumagal man kayo baka awa na lang yung nararamdaman niya para sa'yo. Diba, diba?


Wala kang syota? Anu naman ngayon? Sa unang tingin, nakakainggit. Kasi may ka-holding hands sila, may matatawagan o matetext ng goodnight at I love you at kung anu-ano pang klase paglalambing. Pero kung tutuusin OK rin ang single. Oo, masayang may matatawag kang "iyo", pero tignan mo na lang yung mga relationships, diba? Ang dami laging mga pangyayari. Andyan yung mga manloloko, mga two-timer, mga nagpapaasa, naaawa na lang, mga nanlalandi at kung anu-ano pa. Hindi naman kasi laging masaya kapag may syota eh, kasi nga may commitment, mahirap yung ganun. Committed at formal na "kayo". Kaya ibig sabihin may mga tungkulin at karapatan kayo sa isa't isa at pwede kang makielam.

Kaya nga isipin mo na lang, kung may syota ka, kailangan mong mag-ingat sa mga gagawin mo, diba? Kasi may times na yung syota mo ay bigla na lang maiinis o maaasar sa ginawa mo. Pero kung single kam wala lang, you're free as a bird, pwede mong gawin ang lahat. Kaya kung may mahal ka naman, hindi naman din dapat maging kayo eh. Set him/her as an inspiration. Diba? :-)

Ang love naman kasi, hindi nagmamadali yan, hindi pinagmamadali at hindi ka rin pagmamadaliin. Kaya nga falling in love eh, kasi hindi yan sinasadya at hindi rin inaasahan. Sabi nga sa bible, "Love is patient." diba? Kaya enjoyin mo lang ang mga panahong ngayon ay single ka. Marami naman kasing magagawa kapag single ka eh. Marami ding mga taong walang lovelife, malay mo, bukas makalawa, may "special someone" ka na rin. May magpapasaya na rin ng puso mo. Dahil si God, laging may plano para sa ating lahat. :-)

Walang komento: