Naisip ko na namang magblog dahil sa dalawang rason: [1] Una, gusto kong ikwento sa inyo na naging masaya na naman ang araw ko dahil sa Urey. [2] At pangalawa, na-inspire talaga ako sa Stainless Longganisa ni Bob Ong.
Bago ang lahat, gusto ko munang batiin ulit si Patricia Anne Robles Ycasas ng Happy 16th Birthday!
Napakarami pang libro ang nakapila sa’kin. Nandyan ang Audrey, Wait! The Jane Austen Book Club, Eat, Pray, Love (Christmas gift sa’kin ni Marge Peralta) at P.S. I Love You (na galing naman kay Jorell). Lahat yan ay naumpisahan ko pa lang at hindi ko alam kung kalian ko tatapusin. Meron pa ngang Red Pyramid at The Lost Hero e. Pero nashare ko lang yun sa inyo, gusto kong pag-usapan natin ngayon ang naging reaksyon ko sa pagbabasa ng Stainless Longganisa ni Bob Ong.
Kaninang 9AM ko lang natapos yung libro. Oo, 9AM. UMAGA. Sa pagkakaalam mo ay Final Achievement Test ng mga public school ngayon, diba? Oo, tama ka. Dahil natapos ko yung libro sa pagbabasa pagkakatapos kong sumagot ng test. Unang test ko kaninang 7AM, Chemistry. Sakto lang. Hindi madali, hindi rin naman mahirap. Marami naman kasi sa mga tanong e nasa reviewer na kaya medyo nadalian ako kahit papaano. May 15 minutes pa ako nung natapos ko yung test kaya binasa ko na lang yung
Stainless Longganisa. Nasa parte na ako ng libro kung saan ikinukwento na niya kung paano at kung anong mga bagay ang nagtulak sa kanya sa pagsusulat at paggawa ng libro.
Saktong 8AM, tumigil ako at sinagutan naman ang MAPEH. Sakto lang rin yung MAPEH. Hindi ko masasabi kung marami sa mga tanong ay nasa reviewer dahil hindi ko naman binasa yun. (Music at konti lang sa Arts ang nabasa ko.) Meron pa akong natitirang 25 minutes nung matapos ko yung test. Nagbasa ulit ako at natapos ko na siya nang 9AM. At bago ko sagutan ang huli kong test (Araling Panlipunan), natandaan kong may naiwan akong blanko sa Arts. Yung tanong na anong simbahan ang blah blah blah na may choices kabilang ang Quiapo Church, San Sebastian Church, Baclaran Church at hindi ko na matandaan yung isa pang Church. Hindi ko kasi matandaan yung sagot dun kaya binlangko ko muna. Susubukan ko sanang alalahanin kung ano yun kaso nalibang ako sa pagbabasa kaya nakalimutan ko nang sagutan. Bad trip, one point din yun a!
Kasisimula ko lang sagutan yung test at naglabu-labo na agad sa isip ko yung mga payong sinabi ni Bob Ong sa libro. Mga payong tila nag-eencourage talaga sa mga mambabasa na maging writer. Kaya nung sumasagot na ako ng test, naiisip ko na agad na magblog. Oo, kaninang umaga ko pa gustong magblog. Sabi nga ni Bob Ong, “Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Kapag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang isang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna.” Dahil pag lumampas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.” (paragraph 2, p. 53) Kaso hindi naman ako ganun kagaling para itigil yung ginagawa ko at sagutan nang madalian mamaya yung test (kahit na naisip ko talaga yun). Pero isang oras talaga akong ginugulo ng mga idea sa isip ko. Ni hindi ko na nga maintindihan yung binabasa ko sa test nun e (Isipin mo, 81-100, hinulaan ko na. Ang galing ko no!). Tsaka medyo wala rin kasi akong pakialam sa test kasi alam kong hindi rin naman ako makakakuha ng 75 MPS dahil hindi naman ako nagreview nang mabuti dun kagabi. Sa paglipas ng oras, naiisip ko yun kanina habang papunta ang Urey sa KFC. Naiisip ko yun nung lumipat kami sa kabilang KFC. Naiisip ko yun nung umupo na kami. Nung nag-order kami. Nung kumain kami. Nung kinantahan namin si Ycasas. Nung bumalik kami sa MaSci para mambully ng mga 1st year. Naiisip ko yun habang naglalakad kami ni Ycasas pauwi at nakita ko si Ester na kasama si Jorell (na hindi ko na naman nakasama ngayong araw). Naiisip ko yun hanggang pagpunta ko sa office ni Papa. Naiisip ko yun nung dumating kami sa bahay kanina. Tumigil lang ako sa pag-iisip nun nung nakatulog ako. At sa paggising ko kaninang 4PM, napaisip na naman ako. Hindi agad ako makapagblog dahil walang dial tone yung telepono namin. At syempre, kapag sira ang telepono, hindi gagana ang DSL.
Aminado ako, lahat ng sinasabi ko ngayon, hindi ito lahat ng mga naisip ko kaninang umaga. Tama si Bob Ong. Nahirapan na akong humabol at hindi ko na matandaan yung mga salitang gusto kong ilagay sa blog post na ‘to. Pero kahit na. At least, ginagawa ko na siya ngayon. Whew.
Sa dami ng mapupulot mong magagandang bagay (at kagaguhan) sa Stainless Longganisa, magigising talaga ang utak mo. Pagkatapos kong basahin yung libro, feeling ko gusto ko nang maging writer e. Oo, hindi ako magaling sa pagsusulat pero totoong masarap sa feeling ang mai-express ang kung anumang nararamdaman mo. Pinangarap ko nang maging writer. Mahilig nga akong gumawa ng mga kung anu-anong tula at kwento noon. (Gusto mo makita? Tignan mo na lang dun sa “Archives” ng blog na 'to. Ilan lang yan sa mga nagawa kong n00b.) Gustung-gusto ko nga rin ang gumagawa ng mga artifact e. (Yaan mo, ishe-share ko minsan yung mga gawa ko.) At kapag hindi ko nga nagegets yung lesson sa Accounting, naisip ko, bakit nga ba hindi na lang ako nag-Journalism e mahilig naman akong magkwento ng mga kung anu-ano. Naisip ko nga rin dati (o nung nakaraang buwan lang) na magjo-Journalism ako kapag hindi ako nanalo sa pagiging Secretary sa SSG. O diba, malay mo para dun pala ako!
Ilan nga pala sa mga payong binigay ni Bob Ong ay:
- Wag na wag susubok mag-drugs.
- Mag-aral maigi.
- Wag mawawalan ng gana sa buhay.
- Wag magmamadali sa pag-aasawa.
- Tuparin ang mga pangarap.
- Mangarap ka at abutin mo ‘to.
- Panghuli at higit sa lahat, magbasa ng libro.
Nitong 3rd year lang ako nahilig sa pagbabasa. Oo, nagbabasa ako ng mga libro pero yung mga tipong kasing nipis lang ng Jonathan Livingston Seagull. Kaya nga nagpapasalamat ako kina Nadia, Monique, Ruzcko, Katreena at Zildjian na inimpluwensyahan ako sa pagbabasa ng Percy Jackson Series dahil kung wala sila at ang magandang series na yon, hindi ako mahihilig sa pagbabasa ngayon. Hindi ko mababasa ang Stainless Longganisa at hindi rin ako sisipaging gumawa ng blog post na ito.
Ruzcko, Zildjian, Monique, Katreena, Me
(Credits to Nadia)
Pag-usapan naman natin ngayon ang birthday celebration ng best friend ko na naganap kanina sa KFC. Nag-aalinlangan pa nga ako kaninang umaga kung saan ba ako sasama: sa Urey, sa Calvin o kay Jorell? Ang hirap pumili. Ewan, kung kanino man kasi ako sasama, alam ko magiging masaya pa rin ang araw ko. Kaya sa huli, napili ko ang Urey. Syempre dahil birthday ni Ycasas, gusto kong makasama siya sa espesyal na araw niya at kahit papaano na rin ay makasama ulit ang Urey. Tagal ko na silang hindi nakakasama e!
10:30AM nung napagdesisyunan naming umalis na sa tapat ng Main Building at pumunta sa KFC. Pagpunta namin sa KFC, walang upuan. Merong ilan, pero magkakahiwalay. Syempre hindi kami papayag nun. Kaya binuksan namin yung saradong area ng KFC at doon umupo. Ganyan talaga pag Urey, masaya kapag hindi sumusunod! Pag upo namin, salamat sa isang crew at binuksan niya ang ilaw. Ilang minuto rin ang lumipas bago namin naisip na sira ang aircon. Sa madaling salita, nagpapawis lang kami dun.
At dahil KFC talaga ang gusto namin, napagdesisyunan ulit naming pumunta sa ibang KFC. Yung KFC dun sa may Times. Pagpasok namin, wala na namang space kung saan pwede kaming sama-sama. Kaya kinausap namin yung security guard kung pwede ba kami dun sa saradong area nila (Sarado kasi talaga siya kaya hindi kami agad nakaupo). At sa wakas naman, nakahanap na kami ng pwesto! Kami lang yung grupong nandun sa loob ng area na yun kaya feeling namin espesyal na naman kaming mga gago.
Ang tagal bago kami nakapag-order. Ang dami pang kwentuhan. Ang dami pang gaguhan. Ang dami pang kulitan. Nakakamiss. Ang sarap balikan ng II-Urey!
Sa pag-uusap namin, nakwento ko sa kanila yung matandang dalaga na sumita samin nina Tin at Marvin kahapon. Napag-usapan rin namin yung prom next year na gaganapin LANG daw sa Amadome. Anakngtinapa, ang walang kwenta no? Ang dami pang napag-usapang kung anu-ano. Pero syempre, hindi pwedeng hindi namin pag-uusapan ang SSG elections. (Bukas na yun a!)
Marami samin boto sa MAGDALO. Sorry, MAGDIWANG, nawalan kasi kayo ng MADLANGBAYAN kaya naging “corny” daw kayo sa kanila. Biro lang! Pero eto talaga ang naging bottomline ng usapan: Hindi namin iboboto si Aaron Ogot bilang Treasurer. Oo, tsong(go). Hindi ka namin iboboto. (Pero kung pagbabasehan ng kaitiman mo, sige, panalo ka na!) Except sa ayaw talaga namin sa’yo, isa rin sa mga dahilan e yung paglakad mo ng COC ni San Juan bilang kapalit ko as Secretary. Sabi ng ilang taga-Hertz, ayaw pala naman talaga niyang tumakbo e bakit mo pa pinilit? Oo, bitter na ako sa mga nangyari. Pero kasi, hindi mo alam kung gaano ko kagustong maglingkod para sa eskwelahan natin. Pasalamat ka nga e isa ako sa 17 (Oo. 17. 17 LANG. 17 LANG ANG BUMOTO SA’YO LAST YEAR. Galing yan sa dating taga-COMELEC) na bumoto sa’yo last year bilang Peace Officer. Galing no, binoto kita! Syempre, nagvote straight lang naman ako sa MONSTERS dahil isa ako sa mga campaign manager niyo nun. At ngayon, sisiguraduhin kong kahit isa sa Calvin, walang boboto sa’yo. (Kung mabasa mo man yung blog ko at mainis ka, wala akong paki sa’yo. At wala ka rin dapat paki dito dahil blog ko ‘to. AT HABANG BUHAY KA NANG NEGRO.) Peste, espesyal mo ha. Naging bida ka kahit papaano sa blog kong ‘to. Huling hirit na mga kaibigan, IBOTO NIYO PO SI JAYRALD CALIXTRO BILANG INGAT-YAMAN!
(Wag mong isiping masama akong tao. Kasi lahat tayo pwedeng maging masama, lahat tayo pwede maging mabuti. Hindi porket mukhang gago ako e, wala na akong pwedeng gawing mabuti. Kay Bob Ong ko na naman nalaman ‘to!)
Balik tayo sa birthday celebration ni Ycasas. Pagkatapos naming kumain, kinantahan namin siya at nagpahiran na naman kami ng icing sa mukha. Napakasaya! Naalala ko na naman yung birthday ko. Pero hindi yun cake e, ice cream yung akin e (Double Dutch pa nga, favorite ko!).
At pagkatapos ng gaguhang yun, bumalik kami sa MaSci. Umupo sa gitna ng quad at nag-usap na naman tungkol sa mga bagay-bagay. Nagfail pa nga yung root beer na binili ni Joshua e (Hi Marga, kung mababasa mo man ‘to, alam mo bang hindi sumama samin si Ababan dahil raw ihahatid ka niya. Matuwa ka dun! Ilan lang si Ababan sa mga endangered species ng mga good boy!). Ipapasabog sana namin kaso pababa yung naging flow niya. Balak rin sana naming maglaro ng dodgeball kaso wala naman kaming bola. Sabi ko sa kanila Pepsi 7-UP na lang. Kaso sobrang busog kaming lahat kaya hindi na rin natuloy. Nagpicturan kami. AT NAMBULLY NG MGA FIRST YEAR. Ang saya-saya! Hi Mikha! Hi Nona! Hi Carmen! Hi Renz!
Mga bandang 12:45PM na nung nagtext si Tin sa’kin kaya napagdesisyunan ko nang magpaalam sa Urey. Kasama kong naglakad pauwi si Birthday Girl. Nagkwentuhan pa kami nang konti. Pakshet, namiss ko siya nang sobra-sobra!
Hi Espren! Alam ko medyo nabadtrip ka sa pagmumukha ni Ogot kanina nung nasa quad tayo. Pero hayaan mo na yun, hindi na naman siya puputi at mananalo bilang Treasurer e. Sana naging masaya ka ngayong araw! Wag ka mag-alala, babawi ako sa 25. Pipilitin kong makapag-date tayong dalawa. Mahal na mahal kita at tandaan mong nandito lang ako palagi para sa’yo. Bitch friends forever! Happy 16th birthday ulit at wag mong kakalimutang pasalamatan si Papa God ha.
Hanggang sa susunod na blog post! Paalam!