Katatapos ko lang kumain at hindi ko alam kung anong naisip ko't gusto ko gumawa ng bagong blog post. Malamang bored na naman ako, walang magawa sa buhay at tinatamad magreview para sa 2nd day ng FAT bukas.
Una, napakasarap ng ulam namin. Galing pa yun sa Batangas, 'kala mo a. Hindi ko sigurado kung anong tawag sa ulam na 'yon pero ang pagkakatanda ko'y Pinatis na Tambakol ata yun? Wala lang, masarap lang talaga siya. Tapos feeling ko rin tumataba na naman ako dahil sa sobrang pagkain ko. Pero kasama rin nito ang pagganda ng digestive system ko (Oha!). Oo, digestive system. Noong mga nakaraang araw kasi araw-araw na akong naglalabas ng wastes sa katawan, na dati'y bihira lang mangyari sa isang linggo. Minsan nga 2x a week lang e. Akalain mo yun, buti na lang hindi ako nagkasakit no!
Pangalawa, ang saya ng araw ko kanina. Kasama ko si Tin at si Marvin. At tagumpay na naman si Marvin sa pagpapatawa sa akin. Sa kapatid ko nga rin e. Ay ewan, lahat naman yata napapatawa niya e. Napakasaya mong kasama, kaibigan! Kaso sa gitna ng pagtatawanan at pagkanta namin ng "Marry You" ni Bruno Mars (Oo, kumanta ako kahit ayoko naman kay Bruno Mars) sa KFC kanina, may isang matandang babaeng nagsabi sa amin na, "Excuse me, YOU ARE NOT IN YOUR OWN HOME, SO PLEASE BEHAVE! Thank you." Nag-excuse me pa siya, ang galing no. Pero nakakabadtrip na nakakapanira ng araw. Why, are you in your own home to say that to us? Kung hindi lang ako naka-uniform kanina, malamang minura ko na yun e. Nakakabadtrip talaga siya. Napakarami naman kayang maingay sa KFC nun. Sa palagay ko kaya kami yung napansin niya kasi kami lang yung sobrang saya nung mga oras na yun e. Gusto niya sanang makisali kaso nung sasali na siya, hindi na siya makaride samin kasi hindi niya alam yung kinakanta namin. Feeling ko rin matandang dalaga yun e. Alam niyo yung mga tipong hindi masaya sa buhay at sobrang bitter?! Malamang ganun siya! Nasaan na kaya siya ngayon? Sino kayang binabadtrip niya?
Sunod, naisip ko ring napakatamad ko na pala. Kita mo, yung binabasa mo ngayon, aksaya sa oras ko 'to. Imbis na nag-aaral sana ako para sa Chemistry, MAPEH at Social Studies. Iniisip ko nga minsan, estudyante pa ba ako? Wala lang, naisip ko lang. Hindi na kasi ako nag-aaral nang MABUTI e. Maayos, pwde pa. Pero mabuti? Hindi na. Grabe, piling-pili na nga lang yata ang mga subject na inaaral ko nang maayos e. Yung iba inaaral na lang. Pero wala na atang mabuti. French, inaaral ko nang maayos. Advanced Biology and Research, maayos. Accounting? Sige na nga, inaaral ko na rin nang maayos. Isipin mo, sa 13 subjects ko sa eskwelahan, 3 lang sa kanila ang inaaral ko nang maayos. Grabeng estudyante yan. Pero let's look on the brigther side, kahit na hindi na ako masyadong nag-aaral nang mabuti, nakakapasa pa rin naman ako kahit papaano. At tsaka, ano ba, Science lang naman dapat kong tutukan kasi pagdodoktor naman ang gusto kong kuning course sa college. Biro lang. Syempre, kahit na ganito ako, (kahit papaano) sinisikap ko pa ring mag-aral nang mabuti.
Isa rin sa mga naiisip ko ngayon ay si Jorell. Oo, Jorell na naman no? Malamang! Mahal ko e! Tsaka, yun nga, lagi naman siyang nasa isip ko e. Wala lang, kahit na lagi ko siyang katext/kachat, namimiss ko na siya. Fo' real. Hindi ko pa yata ulit siya nakakasama nang matagal simula nung prom. Nakakamiss na talaga, grabe! Pero kakapalit ko lang sa status ko sa Y!M at nakita ko yung status niya na, "Reading (Bob ONG)/dota mode." Sige na, hahayaan ko muna siya ngayon kahit yun yung dahil kung bakit ako nainis sa kanya kahapon. Nabadtrip ko rin naman siya kagabi e. Grabe bilis ng karma no. Iniisip ko na nga lang muna yung pag-uusap namin kahapon para hindi ako mabadtrip ulit e.
Jorell: Haha gusto kitang kausapin sa personalll haha.Ako: Punta ka dito sa bahay haha jk. E di on Monday :)Jorell: Haha miss na kita, sandali lang kase tayo nag-usap kahapon eh.Ako: Wushu. Miss raw. Hahaha.Jorell: Bakettt?Ako: Wala lang, parang hindi naman.Jorell: Baket? Dahil ba dun sa kanina? -__-Ako: Hindeeee. Wala lang, parang hindi lang. Ewan ko. :))Jorell: Edi sana di na kita pinm -__-Ako: Malay mo, gusto mo lang ng katext haha jk.Jorell: Halaaa.Ako: Anoooo.Jorell: I love you :)
He knows exactly how to make me smile. Pero nababadtrip talaga ako't hindi ko na naman siya kasama kanina. Akala ko pa naman magsasabay kami ng lunch. Pero hayaan na, may bukas pa naman. :-)
Sunod, naiisip ko ring maraming magbibirthday sa mga susunod na araw. Sina Ycasas, Xarrise at ang Physics Teacher/Daddy ng III-Calvin na si Sir Ronald Arcilla. Malalapit silang lahat sa akin at hindi ko alam kung anong pwde kong gawin para sa mga espesyal na araw nila. Ayoko magbigay ng regalo, gusto ko kasi mag-effort para sa kanila. Nakakainis dahil malamang sa malamang, hindi matutuloy ang date namin ng bestfriend kong si Ycasas. Ang dami ko na sanang naiisip na gawin namin sa araw na yun kaso nalaman kong regular classes pala kami sa Wednesday at parehas kaming 7PM ang uwian. Saya! *sarcastic face
Naiisip ko rin ngayon yung isang taong may pangalang Deinnielle. Ni hindi ko na nga siya inaano tapos makikita ko pa 'to:
Deinnielle Calixtro February 21 at 5:23pm Reply • ReportBukas, KFC. 11:00 am kita sa lobby
*magdala ng P50 cake natin para sa kanila. k? KKB ang lunch haaaaa*pakisabi na din kina FELICES, CARMELO. Tska pala dun sa ano, yung Chrizel ba pangalan nun? Yun.
Gusto mo bang maging bida sa blog ko? Sabihin mo lang. 'Kala mo ang bait bait e. Kung hindi lang birthday nila Ycasas at Xarrise, hindi ako sasama sa kainan ng Urey bukas. Ayoko masira araw ko, darling.
Isa rin sa mga naiisip ko ngayon ay kung papayagan ba ako ni Papa na sumama sa overnight kina Clev sa 24. Gustung-gusto ko kasi makasama ulit ang ilan sa mga No-Boys-Allowed Girls (grupo ng mga masasayang magkakaibigan na kahit wala o mawalan man ng lovelife ay masaya pa rin) e. Pero kung iisipin kong magpaalam sa Daddy Dearest ko, mas lamang ang "NO" sa "YES", pero umaasa pa rin akong papayagan nila ako. Basta isama ko lang ang kapatid ko. Akala mo kambal-tuko kami dahil palagi na kaming magkasama e. Pero hindi naman naa-out-of-place ang kapatid ko kahit saan e. (Friendly kasi siya, Jorell.)
Napag-isip-isip ko rin na gusto ko magphotoshoot. Hindi dahil naisip ko lang siya, dahil rin may mga bago akong damit. Oo, yung ala Megan Young/Georgina Wilson/Saab Magalona. Minsan ko na ring pinangarap maging fashion model. Yung sa magazine-magazine lang. Runway din, syempre. Pero mukha hindi ako papalarin doon e. Height ko pa lang, bawal na. So good bye na rin sa ambisyon kong maging beauty queen. Pagdodoktor lang raw talaga ang para sa akin!
At dahil pinag-uusapan na rin natin ang mga ambisyon ko sa buhay, ginusto ko na ring maging Presidente ng Pilipinas. Oo, PRESIDENTE. PILIPINAS. Alam ko imposible yun. Pero hindi ko alam. Gustung-gusto ko kasi talagang maglead. Gustung-gusto kong nakakatulong sa mga taong hindi nakakapag-speak up. At kung anu-ano pa. Kaya nga tuwing naiisip ko na naman na hindi ako nakatakbo sa SSG, nalulungkot na naman ako. Pero hindi yata talaga para sa akin yun. Punyeta! Ayoko na pag-usapan. Eto na naman, uulit na naman ako sa pagda-drama.
Sunod, naisip ko rin kung kailan nga ba kami makakapagShakey's nina Eldie't Ate Seanne. Sabi ni Ate Seanne magkakapera siya sa March 5. At medyo umaasa ako na baka yun na nga ang araw na makakaalis kami't makakapagShakey's. :-)
At ang huli sa mga ikkwento ko ngayon ay ang isang malaking panghihinayang ko sa concert ng Yellowcard kagabi. Oo, sobrang nanghinayang ako dahil may available pa pa lang ticket at 2800php lang! "LANG" dahil mura siya kumpara sa ibang concert. Yung kay Taylor Swift, hindi ako masyado nanghinayang dahil hindi ko naman gusto ang mga kanta niya. "You Belong With Me" lang naman ang palagi kong kinakantang kinanta niya. Mag-iipon na lang ako para sa concert ng The Script sa April. O kaya ng Maroon 5 sa May (ayon kay Louise).
Hayy.. Napakadami ko pang naiisip ngayon na gusto kong ikwento sa inyo pero nandito na ang mga magulang ko galing sa PowerPlant Mall na manonood sana ng "Just Go With It" (starring Adam Sandler & Jennifer Aniston) kaso hindi natuloy dahil gabi na. At sigurado akong sisitahin nila ako dito kaya aalis na muna ako't magbabasa ulit ng "Stainless Longganisa" ni Bob Ong at maya-maya'y magrereview na rin. Salamat sa pagbabasa't pag-aksaya mo ng oras sa blog post ko na 'to.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento