Ano ba ang mithiin? Ang mithiin ay ang ating pangarap o ambisyon sa buhay. Ano ang inyong ambisyon? Gusto mo ba maging doktor? Volleyball player? Accountant? Principal ng eskwelahan?Kailangan ng isang tao ang ambisyon o mithiin. Ito ang ating nagiging gabay para makarating sa pinapangarap. Ito ang nagtutulak sa tao para magtagumpay, gawing katotohanan ang isang pangarap.
Naalala ko kanina. Mga bandang 6:30 ng gabi. Hindi na naman kami nakikinig nina Katreena, Meryl at Ville sa dinidiscuss ni Ma'am Lazaro. (Isipin mo pa, nakaupo kami sa harapan. Pinakaharap.)
Si Meryl, atat na atat nang maging volleyball player kaya eto na naman siya, nagpractice na naman ng kanyang signature. E dahil wala rin naman akong ginagawa, nakatunganga't hindi naman ako nakikinig, nakisakay ako sa trip niya noong mga oras na yun. Nagpractice rin ako ng paggawa ng kunwaring prescription. Tapos ay nakita kami ni Katreena at nakisali na rin. Nagpractice naman siya ng signature niya kapag naging CPA na siya. Pagkatapos namin nun, pinakita naman naman kay Ville yung papel. At <*tada!*> Sumulat na rin siya!
Habang nagsusulat kami nun, naiisip ko... Ang sarap siguro sa pakiramdam na 10 or 15 or 20 years from now e yun na talaga yung mga trabaho namin e no. Yung tipong nalagpasan mo na lahat ng paghihirap ng isang estudyante. Nabawi mo na lahat ng ginawan mo ng sakrpisyo. Lahat ng pagod na naramdaman ng mga magulang mo sa pagpapa-aral sa'yo. Lahat ng galit na binuhos ng teacher mo sa'yo. Lahat ng murang naiisip mong gusto mong sabihin kapag nagagalit yung teacher mo. Lahat-lahat.
Pero syempre, hindi naman basta-basta ang paglagpas mo sa mga bagay na 'to. Kaya nga ako, bilang bilang isa sa mga kabataang may mithiin sa buhay, determinado ako at may lakas ng loob para magawa ko ang gusto kong gawin, ang gawing katotohanan ang aking pinapangarap. Kahit na sabihin mong napakabatugan ko na, sinisikap ko (kahit papaano) ang mag-aral nang mabuti. At syempre, hindi ko kalilimutan ang pagdasal kay Papa God na gabayan kami ng mga kaibigan ko sa pag-abot ng aming mga pangarap. :-)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento